This story was from my high school classmate Anthony. He posted this story in facebook. I just copy pasted the text here. Enjoy!
Dahil sa request, ilalahad ko ang aking karanasan sa macdo sa Milan.
Kumain ako sa MacDo sa Milan. Background lang, sa MIlan, kahit saang sulok ka malingat, merong pinoy. Yong MacDo dun sa harap ng Central Train Station ng Milan,halos lahat ng crew dun ay pinoy, sabay yong mga customers, 80 to 90 percent ng nakatambay dun ay mga pinoy. Sguro, sa mga 10 beses na napunta ako sa Milan, dumadaan talaga ako dun sa macdo para kumain habang naghihintay ng train. ganun ka-notorious na pinoy enclave ang macdo na yan na kung ikaw ay milanese, iiwasan mo na nga yang “ghetto” na yan and tumawid na lang sa macdo sa other side.
Anyway, medyo punuan nung time na yon at walang bakanteng upuan. merong 3 pinay and may vacant table sa tabi nila. lumapit ako and nagtanong in tagalog kung pwede ako umupo dun (magkadikit kasi na table). bigla silang nagtinginan naparang nakakita ng extra-terrestrial, then yong mga expression sa mukha ay pawang sumasagot na: “non parliamo filipino, siamo nato in italia” (di daw sila marunong mag-tagalog, sa italy na raw sila pinanganak).
medyo kumulo ang aking dugong elitista na minana ko sa aking angkang mga panginoong maylupa coz mukha naman silang DH (no offense, pero may mga pilipina naman talagang mukhang DH, kahit pagbalik-baliktarin mo ang mundo at baluntin mo sila ng versace at armani ng italia, mukhang DH pa rin sila. walang kokontra).
so anyway, translate to italian ko naman ang aking question: “me posso sedere qua?”
abah, naintindihan na nila dahil italian na ang tanong ko.
so yun, kain-kain, sabay sila, kwentu-kwentuhan, putak ng putak among themselves in italian, although para namang batangueno ang accent at alam mo namang natuto lang ng italian sa binibigay na free italian lessons ng Filipino parish sa Milan.
Basta kung isipin mo lang, halos lahat ng pinoy marunong mag-english, pero malalaman mo naman kung sino ang pinalaking nagsasalita ng english at kung sino ang natuto sa mababang paaralan at yong tumanggap ng call center accent training (pasintabi, no offense uli).
at sa wari ko, ang pinag-uusapan nila ay na-iirita sila sa mga pinoy na bagong salta at inaakalang lahat ng pinoy sa italy ay mga marunong mag-tagalog.
steady lang ako, nakikinig sa usapan.
pagkatapos kong kumain, nag-scuzza ako sa kanila.
“scuzzi, kung magpapalinis ako ng bahay, saan ko kayo pwedeng tawagan at magkano ang per oras nyo?”
biglang sumama ang mga mukha nila at naghahalong ngit-ngit na parang biglang naka-alala na kelangan pala nilang magpanggap na hindi sila nakakaintindi ng tagalog, ganun ang reaksiyon. pero biglang tahimik silang 3.
and i quietly walked away.
Baccione!